Maglaro ng chess online kasama ang mga kaibigan, hamunin ang mga manlalaro sa buong mundo, o mag-enjoy sa chess offline sa Chess Universe! Sumali sa mga chess tournament, maglaro laban sa computer, at paghusayin ang iyong kakayahan gamit ang mga chess lesson na ginawa ng mga Grandmaster, mga puzzle, at Game Review. Mula sa una mong galaw hanggang sa susunod mong malaking panalo, laging may bagong hamon sa chess na naghihintay.
♟️ MAGLARO NG CHESS ONLINE KASAMA ANG MGA KAIBIGAN
Mag-enjoy sa walang limitasyong online chess game laban sa mga totoong manlalaro. Anyayahan ang iyong mga kaibigan na maglaro ng chess kasama mo o hamunin ang mga kalaban mula sa iba't ibang panig ng mundo. Piliin ang Bullet, Blitz, Rapid, o Easy Mode ayon sa bilis ng laro na gusto mo. Manalo sa mga laban, umangat sa leaderboard, at makipagkumpitensya para mapasama sa Top 100 ng iyong bansa.
🏆 SUMALI SA MGA CHESS TOURNAMENT
Sumali sa mga online chess tournament sa buong taon at subukin ang iyong kakayahan. Bawat buwan, may bagong tropeong may temang zodiac sign na maaari mong ipaglaban. Hamunin ang sarili, makipagkumpitensya sa ibang manlalaro ng chess, at mangolekta ng mga natatanging tropeo habang humuhusay ka.
🏝️ MAGLARO NG CHESS LABAN SA COMPUTER
Gustong maglaro nang mag-isa? Hamunin ang computer at subukin ang iyong diskarte sa mga adventure sa isla na puno ng kakaibang AI opponent, level, at reward. Tuklasin ang Crazy Chess Island at subukan ang mga di-pangkaraniwang labanan tulad ng 5 reyna laban sa 15 kabayo o 10 tore laban sa 15 obispo. Sanayin ang iyong taktika at tumuklas ng ibang paraan para mag-enjoy sa chess laban sa AI.
🧩 MATUTO NG CHESS SA MGA LESSON AT PUZZLE
Nagsisimula ka pa lang? Alamin ang mga tuntunin ng chess at kung paano gumalaw ang bawat piyesa. Handa ka na bang matuto pa? Tuklasin ang mahigit 1,000 chess lesson na ginawa ng mga Grandmaster tungkol sa mga opening, taktika, at diskarte. Sagutan ang mga chess puzzle at harapin ang mga pang-araw-araw na hamon sa isla para hasain ang iyong kakayahan. Available ang mga lesson offline para patuloy kang matuto saan ka man naroroon.
🔍 SURIIN ANG IYONG MGA CHESS GAME
Humusay gamit ang Game Review at Game Analysis. Unawain ang iyong mga pagkakamali, tuklasin ang iba pang posibleng galaw, at matuto mula sa mahahalagang sandali ng iyong mga laban. Gumamit ng mga hint, undo, at replay habang nagsasanay para sumubok ng mga bagong ideya at makabuo ng mas mahusay na diskarte sa chess.
🎨 KUMUHA NG REWARD AT I-CUSTOMIZE ANG IYONG LARO
Gawing sariling-sarili ang iyong karanasan sa chess. Kumpletuhin ang mga hamon, mangolekta ng reward, at mag-unlock ng mga custom chessboard, set ng piyesa, special effect, at marami pa. Mag-enjoy sa klasikong chess kasama ang makukulay na isla, nakakagulat na hamon, at mga bagong layuning maaabot.
⭐ MAG-UNLOCK PA SA CHESS UNIVERSE VIP
Makakakuha ka sa VIP ng access sa 50 eksklusibong premium item, kabilang ang mga board, set ng piyesa, effect, at emoji. I-unlock ang mahigit 1,000 lesson, walang limitasyong hint at undo sa Play vs Computer at Chess Academy, mga eksklusibong character, VIP pet, pagtanggal ng ads, at 40 gem bawat linggo.
Ginawa ng mga chess Grandmaster at eksperto sa laro ang Chess Universe, na pinagsasama ang online chess, chess tournament, mga hamon laban sa computer, at chess training sa iisang laro. Gusto mo mang mag-chess kasama ang mga kaibigan, magsanay laban sa AI, maglaro ng chess offline, o matuto ng bago, dito nagsisimula ang susunod mong galaw!
I-follow ang Chess Universe para sa mga update at event:
Facebook: https://www.facebook.com/ChessUniverseApp/
X: https://x.com/chess_universe
Mag-chess online kasama ang kaibigan, hamunin ang AI at matuto sa mga aralin.
Na-update noong
Okt 26, 2026
Kumpetitibong multiplayer *Pinapagana ng teknolohiya ng Intel®