Burahin nang ligtas ang mga larawan at file na ayaw mo nang itago sa Android phone. Sa iShredder, ikaw ang pipili kung ano ang buburahin at pananatilihin. Pumili ng mga pribadong larawan, video, dokumento o folder, saka piliin ang paraan ng overwrite. Maaari mo ring i-overwrite ang bakanteng storage para mabawasan ang mga bakas ng mga naburang file sa bahaging naaabot ng app. Ingatan ang privacy habang patuloy mong ginagamit ang telepono.
PILIIN ANG MGA FILE NA BUBURAHIN
Maaaring manatili sa phone ang kopya ng ID, bank statement o pribadong video kahit hindi mo na kailangan. Gamitin ang file manager sa app para hanapin ang mga larawan, video, PDF, download at folder. Suriin ang pangalan at lokasyon, itabi ang mahahalagang orihinal at piliin ang mga kopyang hindi na kailangan. Ang access sa internal storage at mga suportadong SD card ay ayon sa device at mga pahintulot ng Android.
BAWASAN ANG BAKAS NG MGA NABURANG FILE
Magkaiba ang pagbura ng file at pag-overwrite ng bakanteng storage. Nagsusulat ang overwrite ng pansamantalang data sa bakanteng espasyo upang mabawasan ang bakas ng mga lumang file sa bahaging kayang abutin ng app. Gamitin ito kapag nabura mo na ang sensitibong nilalaman at gusto mong iproseso ang bakanteng storage.
Pansamantalang nababawasan ang bakanteng espasyo habang ginagawa ito at maaaring lumabas ang babala sa storage. Hintaying matapos at suriin ang resulta. Para ito sa privacy; hindi nito dinaragdagan ang kapasidad ng telepono. Kapag nahinto ang proseso, tingnan ang status at mga tagubilin sa pagtanggal ng pansamantalang data.
PUMILI NG PARAAN NG OVERWRITE
Nag-iiba ang mga paraan ayon sa bersiyon. May minsanan at paulit-ulit na overwrite, gaya ng DoD 5220.22-M. Nakadepende ang tagal sa dami ng data at bilang ng pag-overwrite. Hindi awtomatikong mas maganda ang resulta sa lahat ng device kapag mas maraming ulit.
MAGTABI NG ULAT NG PAGBURA
Sa mga bersiyong may suporta sa ulat, maaari kang magtabi ng tala ng natapos na pagbura. Itabi ito para sa sariling talaan, pagsusuri sa trabaho o pagpasa ng device sa iba. Inilalarawan nito ang piniling proseso; hindi nito pinatutunayang nabura ang lahat ng kopya sa ibang lokasyon.
PRIVACY SA ARAW-ARAW
• Burahin ang pansamantalang kopya ng ID kapag tapos na ang pagproseso ng aplikasyon.
• Alisin ang mga pribadong larawan, video at sensitibong download na hindi na kailangan.
• Pagkatapos ng proyekto, burahin ang mga file sa trabaho na maaabot ng app, ayon sa patakaran ng kompanya.
• Piliin ang sensitibong dokumento bago ipaayos, ipahiram o ibalik ang telepono.
• I-overwrite ang bakanteng storage matapos magbura ng kumpidensiyal na nilalaman, kung kailangan.
MAGSIMULA SA TATLONG HAKBANG
1. I-back up ang gustong itago at piliin ang mga file, folder o bakanteng storage.
2. Pumili ng paraang available at suriin ang saklaw.
3. Simulan ang pagbura, tingnan ang resulta at itabi ang ulat kung suportado.
MGA FEATURE AYON SA KAILANGAN MO
Nag-iiba ayon sa bersiyon ang dagdag na paraan at mga ulat. May mga feature na nangangailangan ng pagbili sa loob ng app o subscription. Bago bumili, suriin ang mga kasamang feature, panahon ng pagsingil at mga tuntunin sa pag-renew.
SEGURIDAD NG APP
Sa DEKRA MASA L1 validation noong Marso 2026, sinuri ang iShredder Android 7.2.3 batay sa mga piling requirement ng OWASP MASVS para sa seguridad ng app. Saklaw nito ang seguridad ng sinuring bersiyon; hindi ito sertipikasyon ng resulta ng bawat pagbura.
ANDROID AT MGA KOPYA NG DATA
Nakadepende ang access at resulta sa mga pahintulot, encryption, flash memory at suporta ng device. Hindi magagarantiya ng app ang access sa bawat pisikal na memory cell o pribadong data ng ibang app. Pamahalaan nang hiwalay ang mga kopya sa cloud at ibang lokasyon. Bago ipasa ang buong telepono, sundin din ang tagubilin ng tagagawa sa pag-alis ng mga account sa device at factory reset. Basahin ang Kaligtasan ng data sa Google Play at patakaran sa privacy ng Protectstar.
Burahin nang ligtas ang mga piniling larawan, video at file. Itira ang mahalaga.
Na-update noong
May 6, 2026