Buksan ang Play sa iyong telepono, nang tinitiyak na nasa seksyon ng Mga App ka. Mag-scroll pakanan sa tab ng “Mga Kategorya” sa ilalim ng search bar, pagkatapos ay i-tap at piliin ang “Mga watch face.” Magagawa mo roong mag-browse ng iba't ibang koleksyon ng mga face, kasama ang minimalist, artistic, botanical, at higit pa.
Puwede ka ring maghanap ng mga watch face sa pamamagitan ng paggamit ng mga terminong tulad ng “modern” o “zodiac,” pagkatapos ay paglipat mula sa “Itong device” patungo sa iyong relo sa ibaba lang ng search bar at paglalapat ng filter ng mga watch face. Pinuhin ang mga resulta ayon sa rating, kung premium (may bayad) man ang mga ito, at higit pa.
Mas gustong mag-browse sa iyong relo? Buksan ang Play sa relo mo at i-tap ang magnifying glass. Pagkatapos, isama ang "watch face" sa iyong query, o i-tap ang "Mga Watch Face" sa ibaba ng search bar. Kapag nakapili ka na, direkta itong i-download sa iyong relo.